Monday, September 17, 2012

TIPS: Things to do pag inaantok sa Office


Umamin kayong lahat dumarating sa point ng office life natin na punong-puno tayo ng antok. As in parang may ibong haliparot na adarna ang humihele sa ulirat natin na nagiging dahilan para maantok tayo ng parang wala ng bukas. 'Yung tipong ang saket-saket na ng ulo mo kakapigil ng antok.

Dahil genious me. Meron akong mga naisip na tips. 

Here it goes...

1. Talagang number one ito. Kalibugan! 'Yan lamang ang pupuksa sa sumpa ng isang balde mong antok. Pwede ba namang libog na libog you tapos sleepy you?!

 Pwes...

Ang suggestmentations me eh, mag tikol ka sa work station mo. Challenge dito ang slow movement, yung swabe lang 'yung tipong ang konti lang ng movements sapagkat pag nahuli you. Para ka naring na 9gag. Hindi po ito applicable sa akin dahil malinis at banayad ang puso mey.

2. Kelangan mong mag basa ng humor blogs tulad ng blog o websites para magising ka sa kaka tawa na labas tonsils at kita kanin sa bituka. Try mong mag basa ng emo fuck habang inaantok ka, wala pang tatlong segundo yung laway mo nasa shoes mo na at parang tora-tora na ang hilik you.

3. Kelangan mong mag isip ng happy tots, wag na yung kalibugan kasi applicable na yun sa point number one natin. Happy tots like yung mag papakilig sa betlogs mo. Happy tots nyo ng shota mo habang nag lalampungan kayo sa kagubatan at nalalaglag ang mga dahol ng bayabas ng dahan-dahan tapos may music tapos tumatawa sya ng, "hihihihi kashe naman ihhhhhhhhhhhh". I'm sure magigising ka.

4. Pag inaantok ka ibig sabihin wag ka na mag focus sa trabaho mo kasi lalo kang aantukin. I swear pag pinag patuloy mo ang trabaho mo pangit ang output kaya ang dapat na gawin mo ay kumuha ka ng coloring book at kulayan mo sya ng walang lampas. Charot!

5. Mag facebook at mag stalk ng pictures ng mga hidden desires mo sa friendslist mo. Buksan mo ang mga photos at isa-isang tignan ang mga latest pictures and post nya. Tapos mag comment ka, mag pa cute ka ganyan. Hindi ito applicable ulet sa akin kasi mahiyain mey.

6. Pag inaantok ka kumuha ka ng blade laslasin mo ang pulso mo at patakan mo tatlong kalamansi. Ewan ko lang kung di ka magising. Juk! Pumunta ka sa toilet at maghilamos ka ng kumukulong tubig na may tatlong patak ng asido. Juk ulet. Kelangan mong maghilamos ng malamig na tubig at tumalon-talon ng 20 times. Oo dapat 20 times talaga. Tsaka sa toilet mo gawin wag ka papahuli mapapagkamalan kang may aning-aning.

7. Mag baon ka ng USB na may lamang Porn. Hindi ito applicable sakin dahil hindi me na nonood ng porn. Nakuha ko lang itong Idea na to kay Ulysess kasi gawain nya to.

8. Pag sobrang antok ka na makipag chat ka sa kahit kanino tapos murahin mo. For example. Goodmorning Putangina mo! I'm sure mag rereply yun at magigising ka. Please note na dapat gagawin mo lang ito sa close friend mo. Wag sa stranger.

9. Related ito sa point number 8 but this time ang dapat mong gawin ang makipag landian ng parang walang bukas. Matutu ka sa gawain ng pusa tuwing madaling araw. More more landiiiiii ang gawin mo. Pwede mo itong gawin sa YM at pwede morin itong gawin sa Twitter. 

10. Bumalik ka sa Point number 1. Yun ang pinaka effective sa lahat. LOLz


Ang lahat ng mga suggestions at hindi proven kaya wag masyadong dibdibin. Pwede rin itry wala namang masama ihihihihi.....

Thursday, January 12, 2012

Pano Ba Mag Move-On???


Kagabi nag PM sakin ang isang kaibigan sa fesbuk, sabi nya 'pano ko daw nagagawang maging masaya at makulit kahit na sad and emo and all that shit naman talaga ako.

Sabi ko, wala talagang sikreto. Ang kelangan lang gawin ay ganto...uminom ng isang boteng toyo at kumain ng buhay na chicken habang naka gapos ang mga kamay tapos sumasayaw ng spagetti pababa at pataas habang nag gaganchilyo ang mga paa mo. Charot. Ektweli, nakalimutan ko na response ko.

But this entry is dedicated to Her *hugs*

Walang formula at abc sa tamang pag harap sa pain. kanya-kanya kasing infliction yan. Gumaganown?! Jo 'D Manggo?! Advisor?! Student Prefect?! Guidance Councelor?! Ang solusyon lang na nakikita ko pag malungkot ako ay mag move on. Simple, right, pero mahirap i-execute. Sobrang hirap ate Charo.

Dahil dyan, ito ang mga suggestmentations ko on my personal point of view based on my experiences. Ang dami? Experiences talaga?! hihihihi let me try to write some of the things that I do pag emoness fuck bull shit ako. FYI, hindi ako 'yung tipo ng taong suicidal. Duhr! Life is beautiful and colorful like crayola and craypas. Hindi ko rin sinusulusyan ang kalungkutan sa pamamagitan ng maraming alak at namumulak-lak na sex life. Duhr! Virgin pa kaya me.

so eto na nga, excited kang potakels ka. Read on....

1. Okay lang malungkot. Hindi ka robot 'te. Ok lang yan. Pero sana 'wag ka namang one year ganyan. dun ka sa kwarto mo mag cease ng Pain. Itweet mo lahat. Iblog mo kung hindi mo kayang mag kwento. Kung kaya mo, mag kwento ka go! kwento mo sa close friends mo, sa tropa mo. Iiyak mo lahat kahit tulo sipon at laway gowww! Fleeting yan, hindi ka parating malungkot darating ka sa time na mapapagod ka na at mauuhaw, gugustuhin mong mag coconut juice habang nasa beach at maging happy. Healthy rin umiyak paminsan-minsan.

2. Habang nalulungkot ka, humanap ka ng pag kakaabalahan mo. Magbasa ka. Mag ganchilyo ka habang nag bake ng cake ang paa mo. Mag tanim ka ng palay sa bakuran nyo. Kausapin mo ung mga Orchids nyo. Wag ka lang pakita sa kapitbahay baka sabihin may sapak ka. Basta humanap ka ng pag kakaabalahan. sakin nag jogging ako. Basta nalungkot ako bihis na kagad tapos jogging. ganyan. Effective naman sya.

3. Kelangan mo ng support system. Dyan pumapasok ang "good" set of friends. Sabi nga nila, pag walang love life dapat bongalore india ang social life, dapat sorrounded ka ng friends. Lumabas kayo, Not necessarily gimik and arte party, party fuck, ang point dito meron kang makakasama na makikinig sayo at hindi masamang impluwensya. Yung magiging sponge mo lang, ganyan. Yung may tenggang handang makinig sa paulit-ulit mong emo-fuck, ganyan. Kung party animal ka. Gowww i-party mo lahat. Kung hindi ka naman party animal na tulad kong home buddy, eh steady ka lang sa piling ng mga kaibigan, ganyan. Mag laro kayo ng uno stacko, charades, pinoy henyo, habulang gahasa, bahay-bahayan, hampasan ng pillow, basagan ng bungo. Ganyan.

3. Wag kang maging bitter sa taong dahilan ng Emoness shit mo. Let them go. This is not about them. This shit emo fuck is about you. Isipin mo nalang, bata pa sila at inconsistent sa mga desisyon sa buhay. Hobby lang talaga nilang maglaro at manakit ng feelings ng ibang tao, just for fun at wala tayong magagawa doon. Hindi natin sila ma didiktahan. Wag kang magalet. Let them go. I-delete mo sa facebook, twitter at lahat ng shit. Pag okay ka na saka mo i-add ulet. Pathetic?! Ganto kasi yan, the more na nagagalit ka sa taong nakasakit sa'yo lalong kumikirot ang sugat. SABEEEH?!

4. Pray. I don't wanna sound churchy, you know that, but faith and pryer is the best tool to face all life uncertainties and emoness. Hindi ko na papahabin ito, mag-tutunog Pastor me. basta pray. When hurting Pray...If you feel so sad and it kills you. Pray.

5. Believe that you are destined to be happy. You deserved it. Wag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao. kapag ginawa mong axis ang tao sa revolution ng mundo mo mas mahihirapan kang mag move on. Kelangan mong irespeto at mahalin ang sarili mo. May darating din na tamang tao para sa'yo. Wag kang mag madali. Chill!

Ang dami kong satsat. Pero sa totoo phase talaga ang moving on. Meron matagal merong mabilis. Ang importante dito may natututunan tayo sa pag lalaro natin ng apoy.

Juk!


Wednesday, January 11, 2012

Alamat ng Itlog

Tanong: Saan galing ang itlog?
Sagot: Sa manok.
Tanong: Saan galing ang manok?
Sagot: Sa itlog.

So, alin ang naunang lumabas ang itlog o ang manok?

Ang tanong na “Just for fun” kapag walang magawa at nagkakasiyahan.

Itlog ang nauna kasi si Adam ay may itlog, at siya ang nauna sa mundo.

Manok ang nauna kasi manok ang tawag sa bird ni Adam noon, syempre hindi pa uso ang mga Conyo that time, and Adam don’t have the “balls” to be alone at that time, in tegelowg, wala siyang bayag o itlog para mabuhay mag-isa, kaya wish niya si Mudra Eba. So, mas nauna ang manok.

Ha!!! ewan…for a change, ito naman ang tanong ko.

Paano na-diskobre na puwedi pala kainin ang itlog ng manok? Sino ang nakadiskubre? Paano nadiskubre? Eh diba galing ito sa puwet ng manok kaya parang e-tinatae nito? Syempre noon hindi pa nadidiskobre na pwedi palang kainin ang itlog ng manok ay iisipin ng makakakita na tae un ng hayop (Manok) dahil nagmumula ito sa puwet, yaks.

Pero paano ba talaga na-diskobre na puwedi pala kainin ang itlog ng manok?

At ito ang bibigyan ko ng linaw sa inyo…dahil sa loko-loko ako, may nagiling na kalokohan at nahuling guni-guning ligaw sa utak ko tungkol sa “alamat ng itlog ng manok”.

Halika, maglokohan tayo. *sindi yosi*

Noong unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang panahon, bago palang ang mga tao dito sa mundo niyo at wala pang saplot ang mga tao, may dalawang taong kweba na mag-BFF, si Uga-wogo at si WOhta-Wonga. Araw-gabi ay magkasama ang dalawa, kaya nagpagkakamalan silang may relasyon (noon pa uso na ang tsismis), panay harotan kasi ang ginagawa nila, pero dahil sa pagkakaibigan at closeness nila sa isa’t isa, hindi na nila pinapansin ang mga kumakalat ng tsimaks tungkol sa kanila, umiiwas nalang sila sa press people.


*Nag-uusap ang dalawang magbest friend sa kanilang tree house*

Uga-wogo: Basta pre, BFF parin tayo, kahit ano mangyari,okay?

Wohta-wonga: Oo naman tol, I wanna spend my lifetime loving you.

Uga-wogo: pre naman, that’s so gay…pwedi ba?!

WOhta-Wonga: ayy sorry, favorite song ko kasi ‘yun,hehe.

Uga-wogo: Gosshhhh...Sound track ng Zorro movie. OMG pre, ang galing ni Antonio Banderas.

WOhta-Wonga: Oo nga tol, haaayyy galing-galing niya sa ispadahan, as in, as out, and that bitch Catherine Zeta Jones, I don’t like her, duh.

Uga-wogo: Hoy pre, grabe ka naman. Hindi ko rin siya gusto, support nalang natin siya for our hero Zorro.

WOhta-Wonga: Sige tol, sabi mo e…

Laging masaya ang dalawang magkaibigan, wala silang dull moments, hanggang sa isang araw habang naglalakad sila, may nakita silang hayop (ihanin manok)…

Dumapa sila agad para bantayan ang nakita nilang hayop…

Uga-wogo: P’re ano kaya yan?

WOhta-Wonga: I think it’s a bird…

Uga-wogo: No, it’s a plane…

WOhta-Wonga at Uga-wogo (chorus): iiittttttttttttttsssss aaaa……Ewan!hahahahaha

Laugh trip ang magkaibigan habang nakadapa at binabantayan ang nakitang hayop. Hangang sa...

WOhta-Wonga: tol, tingnan mo ‘yun hayop na un oh, tumatae, hahahaha…

Uga-wogo: hahaha..Oo nga noh? Pero bakit ang ingay?

WOhta-Wonga: Oo nga e, kakaiba pala tumae ang hayop na yan, ang ingay. Putak ng putak.

Uga-wogo: wait pre, lumalabas na ang tae, ayuunnnn naaa…lumabas na, hahahahhaa…nahulog pre! Hahahaha, pero bakit kulay puti?

WOhta-Wonga: eh nahulog syempre, namuti, ikaw kaya ang mahulog, tingnan ko lang kung hindi ka rin mamutla.

Uga-wogo: Oo nga noh? Ang galing mo talaga.

Uga-wogo: ang galing talaga ng obserbisyon mo pre, akalain mong napansin mo yun?

WOhta-Wonga: iba ako e, alam mo na..You know me.

Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan taong kweba ay umalis na rin ang inahin manok, kaya pinuntahan nilang ang nakitang kakaiba na nagmula sa puwet ng isang hayop. dinampot ni Uga-wogo.

Uga-wogo: Pre, kakaiba talaga ang tae ng hayop na un oh…tingnan mo pre, matigas at kulay puti, parang bato.

WOhta-Wonga: Oo nga noh? Tol basagin mo baka may bato sa loob tapos lunukin mo at sigaw ka ng DARNA.

Uga-wogo: ulol! tae ‘to noh…nakita mo naman na galing sa pwet ng hayop na ‘yun, ibig sabihin ay shit! Shit ito, tanga!

WOhta-Wonga: Gago! may shit bang kulay puti? Ang layo ng hitsura niyan sa shit e, yan kulay puti, ang shit kulay ng mukha mo, hahaha. Sa palagay ko nakakain ang nasa loob niyan.

Uga-wogo: hahahaha…hay naku, ang tagal na natin magkaibigan, ngayon ko lang nalaman na ang tanga mo pala. Mayroon bang pagkain na nagmumula sa puwet ng hayop?

WOhta-Wonga: halluueeerrrrr, malay mo? Think deep, pwedi ba?!

Uga-wogo: sige nga patunayan mo na hindi tae ito, patunayan mo sa akin, basagin natin tapos kung may bato na nakakain sa loob, kainin mo.

WOhta-Wonga: Ano premyo ko?

Uga-wogo: bigay ko sayo lahat mga FHM magazine collections ko.

WOhta-Wonga: Okay deal.

Nag-isip muna si WOhta-Wonga ng ilang sandali…

WOhta-Wonga: Game…akin na! yes…basta mga FHM magazine mo ah

Uga-wogo: Oo may bunos pang masahe ko with laway.

WOhta-Wonga: YESSS!!!!

Dumambot ng maliit na  bato si WOhta-Wonga at pinukpok ang ibabaw…kaya nabutas ng kunti. Sinilip naman ni Uga-wogo …

Uga-wogo: Oh ano nasa loob, bato ba yan, ha? Matubig yan e, lusaw ang laman, bato ba yan? Ang bato matigas,Tanga.

WOhta-Wonga: eh hindi naman amoy tae ah…syempre fresh pa to kaya lusaw pa…wait natin titigas din yan.

Nilapag nila sa ibabaw ng malaking bato. Dahil sa sobrang init ng araw ay naluto ito.

WOhta-Wonga: Oh sino ngayon ang tanga sa atin? Sabi ko sayo, tingnan mo, matigas na.

Uga-wogo: okay tama ka don, ngayon kainin mo.

WOhta-Wonga: Watch me…

Binalatan muna ni WOhta-Wonga

Uga-wogo: Bakit mo binabalatan?

Wohta-wonga: Haalluuueerrrr, so dirty kaya.

Hindi na komontra si Uga-wogo, at kumagat naman ng kunti si Wohta-wonga

WOhta-Wonga: hhmmmm…ang sarap…ang sarap tol.

Uga-wogo: yaks, kumakain ng tae…

WOhta-Wonga: hindi nga, masarap nga..tikman mo masarap, promise…

Naghabolan ang dalawang taong kweba at nagharotan. Dahil sa sobrang panghaharot ni WOhta-Wonga kay Uga-wogo ay napilitan din tikman ni Uga-wogo.

Uga-wogo: Oo nga noh, masarap nga.

WOhta-Wonga: sabi sayo e, tara hanap pa tayo ng ganun hayop tapos abangan natin puwet niya.

Uga-wogo: pero teka, ano itatawag natin dito?  hindi naman pweding tae.

WOhta-Wonga: hmmm…sabagay tama ka, ang sagwa kung tae ang itatawag natin…nakakadiring kainin,yaks!

Sa kanilang pag-iisip kung ano ang itatawag nila sa nadiskubre nilang pagkain ay nakaramdam sila ng antok.

Uga-wogo: haayyy naku, ITULOG nalang natin to.

WOhta-Wonga: Naks ang galing mo ah…tama, ‘yun ang itatawag natin dito ITLOG nalang natin to, ang galing mo rin ah. ITLOG....hhmmm puwedi..mula ngayon ITLOG ang itatawag natin dito.

Uga-wogo: Ako pa?! you know me,  Apir!!

At nag-apir ang dalawang magbestfriend na taong kweba, gamit ang kanilang nguso. Apir! Mwah!!!


"Hindi lahat ng galing sa puwet ay tae" -Itlog


---THE END---

Paano kaya na-diskubre na puweding mainom ang gatas ng baka?

Thursday, January 5, 2012

Wala Akong Pag-ibig!!!



Inaamin ko, WALANG PAG-IBIG SA BUHAY KO, hindi ko alam kung matutuwa kayo o malulungkot, pero ‘yan ang totoo.

Kasi ayaw kong matulad sa mga namroroblema at minsan may nagpapakamatay dahil lang sa pag-ibig.

Naiitindihan ko sila, dahil nature na natin mga Pilipino ang lumapit sa pag-ibig at magpasakop dito.

Pero iba ako, dahil kahit kailan ay hindi ako nagpa-angkin sa pag-ibig, wala akong mapapala dyan kundi sakit ng ulo, baka magkaroon pa ako ng sakit sa puso sa kakaproblema sa pag-ibig.

Kahit kailan ay hindi ko naramdaman at pinangarap ang pag-ibig, kaya kong mabuhay na walang pag-ibig sa akin.

Hindi ko kailangan ang pag-ibig para sa pamilya ko, para sa mga kaibigan ko, o kahit na sino sa buhay ko.


Alam ko, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay, naiitindihan ko kayo (may mga pag-ibig), pero alam ko rin naiitindihan din niyo ako.



Masasabi kong wala ang pag-ibig sa akin, dahil hindi talaga ako mahilig mangutang o magloan.

Sa inyo na ang pag-ibig na ‘yan, basta ako ayaw kong magkaroon o mangutang sa pag-ibig fund.

What The Fact!!!!

What The Fact!!! 

1. Mag Chewing gum kapag magbabalat ng sibuyas o manghihiwa ng sibuyas, maiiwasan mong maluha o maiyak kung hindi mo mahihiwa ang isa sa daliri mo.



2. Kapag kulay pink ang dila, ibig sabihin wala itong germs o kumain ka lang ng alamang. Kapag kulay puti naman, ibig sabihin mayroon na itong thin firm of barteria, yaks.


3. "The best or nothing", ang motto ng Mercedez-Benz. Tandaa mo yan, dahil itatanong  yan sayo sa kabilang buhay.


4. Ang titanic ang unang barko na gumamit ng SOS signal, at unang pilekula na pinanood ko ng higit sa dalawang beses.


5. 300 times a day ang laugh trips ng 6 years old na bata, 15 to 100 times naman sa mga adult. Hahahahahha, pang-limang tawa ko na yan.


6. Ang mga paniki ay nagle-left turn paglabas ng kweba, hindi sila puwedi sa mga daan na no left turn.


7. Sa damit, nasa bandang kanan ang botones ng damit na para sa mga lalake, sa bandang kaliwa naman ang botones ng damit na para sa mga babae. Kaya siguro laging biktima ng pangangaliwa ang mga babae.


8. Hindi nakakatilaok ang tandang hanggat hindi ito mai-extend ang leeg, lalo na kapag nagilitan at ginawang barbeque.


9. Nakakapagpakalma ang kulay BLUE, nailalabas nito ang charming hormones natin sa katawan. I am so blue.


10. Bawat bahing natin ay ilang brain cells ang namamatay, aaacchooooooooo!, patay.


11. Mas maliit ang lung natin sa bandang kaliwa kumpara sa bandang kanan, para may tamang lugar ang atin puso. Kaya siguro laging nasa tamang lugar ang desisyon ng puso.


12. Volney ang pangalan ng lion na nasa MGM LOGO, hindi pala samba.


13. 1,792 steps ang Eiffel tower, hindi makatulog kaya binilang nalang ang steps ng eiffel tower.


14. Aglets ang tawag sa plastic na nasa dulo ng shoelaces, at piglets naman ang tawag sa mga nasa babang posisyong ng goberno.


15. 200 million couples ang nagse-sex araw-araw, 400,000 ang pinapanganak na sanggol at 140,000 ang namamatay at 1 sira ulo ang nagbilang 'yan.


16. Ang ibig sabihin ng "COLGATE' sa Spanish speaking countries ay "Go hang yourself", Colgate senyorita me amor.


17. Mizaru, Mazaru at Mikazaru, ang pangalan ng tatlong unggoy na bulag, pipi at bingi.


18. Mas mabilis ng dalawang beses kumurap ang mga babae kaysa mga lalake. Kaya sila naiisahan lagi ng mga lalake, kurap ng kurap. Huwag kang kukurap!


19. 10:10 ang time displayed kadalasan sa mga relo, para parang naka-smile. At 7:07 naman ang time displayed sa mga digital, para LOL ang dating pagbinaliktad.


20. Kung ang statue sa isang park na ang tao ay nakasakay sa isang kabayo na nasa ere ang dalawang front legs nito, ibig sabihin ay 'yung taong nakasakay ay namatay sa WAR, kung ang isang paa lang naman ang nakataas, ibig sabihin ay nasugatan sa WAR na sanhin ng kanyang ikinamatay, kung walang nakataas sa mga paa ng kabayo, ibig sabihin ay natural case ang ikinamatay ng tao, at kung nakaupo naman ang kabayo, ibig sabihin ay natae sa isang WAR ang taong nakasakay.

Tuesday, December 20, 2011

PA – PEYSBUK NGA!! (Post ng Ina Mo)


“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala.
Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. 
Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo.
Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?
Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip.
Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.
1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.
2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).
3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)
4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.
5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.
6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.
7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.
8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.
9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.
10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.
11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.
12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.
13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.
14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.
15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???
16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.
17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.
18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.
19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.
20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.
21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!
22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.
23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.
24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.
25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.
26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Laugh out loud!!!!.
27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.
28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.
29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.
30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.
Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.
Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?
Pa-Peysbuk nga!!!